top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Iba’t ibang raket ng mga kawatan ngayon kapaskuhan, buking!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 28, 2018
  • 2 min read

MGA ka-Bulgar, tatlong araw na lang ay Disyembre na kung saan ito ang buwan na pinakahihintay ng mga demonyong perhuwisyo ng lipunan na gumagawa ng panloloko sa kapwa.

Narito ang ilan sa mga raket na dapat pakatandaan ng mga suki natin para hindi kayo mabiktima ng mga kamag-anak ni Taning:

1. Dahil Christmas Season, may mga nagso-solicit na may ipinakikita pang sulat para mapaniwala ang biktima na humihingi ng pang-Christmas Party pero, manloloko lang pala.

2. May mga sumasampa sa mga pampasaherong jeep na may dala ring sulat na sila raw ay humihingi ng donasyon para raw sa mga batang nasa bahay-ampunan na kapag hindi nagbigay ang biktima ay kanila itong minumura, pwe!

3. May mga hinayupak na nagbabahay-bahay na nangangalap ng pondo para raw sa kanilang tulong foundation pero, nagmamanman sa loob ng bahay at pinag-aaralan ang susunod na aksiyon para nakawan ang bahay. Mag-ingat!

4. Uso ngayon ang nagpapanggap na Meralco meter reader pero, mga kawatan na kapag napansin nilang walang tao sa loob ng bahay, kanila itong pinapasok para nakawan. Maging mapagmatiyag at makiramdam sa mga balasubas na dumarating sa inyong lugar, pwe ulit!

5. ‘Yung mga nakatanggap na ng kanilang 13 month pay at bonus — kapag naisipan ninyong mamili ay pakiramdaman ninyo ang mga hinayupak na sumusunod sa inyo dahil kapag nakatiyempo ang mga demonyong ito ay hoholdapin kayo sabay tutok ng kutsilyo o baril sa inyo, pwe na naman!

6. Gayundin, ang mga nasa ATM booth para mag-withdraw, ingat din kayo dahil ang mga gunggong na ito ay nagkukunwari ring nagwi-withdraw pero, nagmamanman din sa tunay na nagwi-withdraw para holdapin.

Mga suki, ‘yan lamang ang ilan sa mga posibleng mangyaring modus ng mga halang ang kaluluwa na ating ipinaaalala sa inyo para kayo ay ma-educate at maiwasan ang mga nagkalat na perhuwisyo ng bayan.

Ikaw kaibigan, anong sey mo?

Laging tatandaan, walang maloloko kung walang magpapaloko!

Ligtas ang may alam!

Kaya ikaw, ako, tayo… mag-ingat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page