top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Habang nagmi-meeting | 3 OPISYAL NG SAMAHAN, NIRATRAT

Maeng Santos
Nov 28, 2018
1 min read

DEDO ang presidente ng homeowners association at dalawang opisyal ng isang organisasyon matapos pagbabarilin ng apat na hindi kilalang mga suspek sa Malabon City, Lunes ng hapon.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa katawan sina Marcos de Leon, 51, presidente ng Flovihomes Homeowners Association ng Bgy. Tonsuya at Eduardo Esternon alyas Mico, adviser ng ‘Arya Progresibo’, samantalang, binawian naman ng buhay habang ginagamot sa Ospital ng Malabon si William Mortar, 63, organizer ng Arya Progresibo ng Barrio Mayamot, Antipolo City.

Ipinag-utos naman ni Malabon Police Chief Senior Supt. Jessie Tamayao sa kanyang mga tauhan ang follow-up investigation upang matukoy at maaresto ang mga suspek.

Ayon kina SPO1 Alexander dela Cruz at PO3 Roldan Angeles, alas-12:25 ng tanghali, nasa loob ng bahay ni Esternon sa Dulong Hernandez, Bgy. Catmon ang mga biktima at pinag-uusapan ang nalalapit na selebrasyon ng Arya Progresibo sa November 30 nang biglang pumasok ang apat na suspek at pinagbabaril ang mga ito bago nagsitakas.

Nitong Linggo, pinagbabaril din at napatay ng dalawang hindi kilalang suspek sa Dulong Hernandez ang isang kagawad ng Bgy. Catmon na si Rodrigo Tambo, leader ng Arya Progresibo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page