Gamit ang sinturon | TITSER NAGBIGTI
NASAWI ang 27-anyos na private school teacher matapos magbigti sa loob ng kanilang bahay sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.
Kinilala ni Valenzuela Police Chief Sr. Supt. David Nicolas Poklay ang nasawi na si Jaihra Faith Villacorte, 27, dalaga, residente ng Bgy. Malinta. Alas-7:15 ng umaga nang madiskubre ng kanyang ama na si Pedro Villacorte ang wala nang buhay na biktima sa loob ng kanyang kuwarto na nakabigti gamit ang punda at sinturon.
Agad nitong ibinaba ang kanyang anak sa higaan bago ipinaalam ang insidente sa pulisya kung saan natagpuan din ang diary ng biktima na nakasaad ang kanya umanong personal na problema na naging dahilan ng kanyang pagpapakamatay.
Gumawa naman ng isang waiver ang pamilya ng biktima na hindi na sila interesado sa anumang imbestigasyon dahil naniniwala silang walang foul play sa pagkamatay ng kanilang kaanak.





Comments