top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Bebot na feeling toxic sa mga parinig ng kanyang bestfriend

ROMA AMOR
Nov 28, 2018
1 min read

Dear Roma,

Ako si Abby, 22 years old. Nagtatrabaho ako bilang marketing assistant. Sa ngayon ay sobrang busy ng schedule ko kaya kapag niyayaya ako ng bestfriend ko na mag-hangout ay hindi ko siya nasisipot. Pero, nabasa ko sa social media na pi­nariringgan niya ako at kung anu-ano ang sinasabi niya tungkol sa akin. Ayoko sanang mainis o magalit sa kanya, kaya lang, naisip ko na kung kaibigan ko talaga siya, maiintindihan niya ang sitwasyon ko. Ano ang dapat kong gawin dahil punumpuno na ako sa kanya? — Abby

Abby,

Alam mo, sis, may mga pagkakataon talaga na na­giging busy tayo sa trabaho, pero hindi ibig sabihin nito ay mawawalan na tayo ng time sa ibang bagay lalo na sa pamilya at mga kaibigan natin. Kung sa tingin mo, hindi ka naiintindihan ng bff mo, nagkakamali ka ru’n. Siguro, nami-miss ka lang niya at sa pagkakataong ‘yun, ikaw naman ang dapat umintindi sa kanya. Palagi mong tatandaan na sa pagkakaibigan, pantay lang dapat ang pag-intindi kung saan parehong damdamin ang dapat na binibigyang-pansin. Kaya pag-usapan ninyong mabuti ang problema bago pa ito lumala. God bless sa inyo!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page