Anak ni Piolo, wala raw paki… IÑIGO, TANGGAP NA MAS GUWAPO SA KANYA ANG MGA
- BULGAR

- Nov 28, 2018
- 2 min read

“HINDI, pinagtripan ko lang ‘yun. Literally pinagtripan ko kasi parang lahat ng pictures ko, kino-comment-an niya. Sabi ko, ang lakas ng tama niya, basher ka pero nauuna ka pang mag-comment kesa sa akin.
“Lahat ng pictures ko, kino-comment-an niya. Sabi ko, abangan na lang niya next picture na ipo-post ko, abangan ko ang iko-comment niya.
“Ako, laugh trip lang ang ginagawa ko, pampaaliw lang sa mga nasa social media. Just to spice things up para ‘di boring ang buhay,” ang naging mahabang pahayag ni Iñigo Pascual nang tanungin siya kung bakit nakipagsagutan sa isang basher niya kamakailan.
Nagkomento kasi si @imaginedragons55049214 sa isang larawan kung saan may mga kasamang non-showbiz friends si Iñigo.
Sabi ng basher, mas guwapo at higit na mas may karapatan ang isa sa mga nasa larawan na nakilalang si Nick Parker kesa kay Iñigo.
Pagsang-ayon naman ng singer ay guwapo talaga ang ilan niyang mga kaibigan at ‘di ito naging isyu sa kanya kahit kailan.
Ang ikinamamangha lang ni Iñigo ay ang sinasabi ng naturang netizen na basher siya pero mas nauuna pa itong mag-like sa mga pictures niya kahit pa nga ‘di siya ang nagpo-post ng mga ito.
Bilib din si Iñigo sa effort at oras na ibinibigay ng mga bashers para i-bash lang silang mga artista, pero hindi naman nito mai-post ang tunay nilang larawan at identity.
Sa komento rin ng naturang basher na kung ‘di siya anak ni Piolo Pascual ay ‘di siya makakapasok sa showbiz, ipinagkibit-balikat na lang ito ni Iñigo at tinanggap ang lahat sa nakakatawang paraan at ‘di na lang niya sineseryoso.
Sa ngayon nga ay kapansin-pansin na malaki na rin ang iginuwapo ni Iñigo at lumalabas na ang pagkakahawig nila ng ama.
Naniniwala kami na palipasin pa ang ilang panahon ay mas magiging kamukha ni Iñigo si Piolo o baka mas humigit pa.





Comments