Trike driver binaril, utas
Levi Gonzales
Nov 27, 2018
1 min read
DEDBOL ang isang tricycle driver matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Bgy. Quiling, Talisay, Batangas.
Kinilala ang biktima na si Ariel de Leon, 50-anyos.
Alas-3:45 ng madaling-araw, nasa kanyang sasakyan at nakaparada ang biktima habang naghihintay ng pasahero nang lapitan ng suspek saka ito binaril bago tumakas.
Patuloy naman ang imbestigasyon sa insidente upang madakip ang salarin at mabatid ang motibo sa krimen.





Comments