Sey ng experts... PAGKANTA, EPEKTIB NA PANLABAN SA PARKINSON’S DISEASE!
- Jersy Sanchez
- Nov 27, 2018
- 1 min read

PAGKANTA ba ang inyong libangan tuwing bored kayo? Alam ba ninyo na hindi lang ito basta libangan at talent? Ayon sa mga eksperto, ang isang oras na pagkanta ay nakapagpapababa ng blood pressure at stress level ng tao na mayroong Parkinson’s disease. Wow!
Isang pag-aaral sa Iowa State University ang isinagawa sa 17 katao na mayroong Parkinson’s disease, sila ay kabilang sa therapeutic singing group.
Inobserbahan ng mga researcher ang kanilang heart rate, blood pressure at lebel ng cortisol o stress hormone.
Bukod pa rito, tinanong din ang mga kalahok tungkol sa kanilang anger, anxiety, kasiyahan at kalungkutan. Ginagawa ito, isang oras bago magsimula at pagkatapos ng kanilang singing session kung saan lumabas sa resulta na bumaba ang heart rate, blood pressure at cortisol level ng mga kalahok.
Bagama’t, walang masyadong pagbabago tungkol sa kasiyahan at anger nila, nabawasan umano ang anxiety at lungkot nila pagkatapos ng singing session.
Dagdag pa rito, magandang improvement ang nakikita ng mga researcher habang tumatagal ang pag-aaral.
Ayon sa mga researcher, ang mga improvement na nabanggit ay maaari ring maranasan ng mga kalahok kung sila ay regular na umiinom ng gamot para sa kanilang sakit.
Kaya ang payo ng mga eksperto, mabuting alternatibo sa gamot ang singing session dahil bukod sa matipid ito, eh, convenient pang gawin. At kahit sa mga taong mayroong Parkinson’s disease nakasentro ang pag-aaral, maaari rin itong subukan ng mga taong nakararanas ng stress at high blood pressure. Kaya mga beshy, kapag nakararanas kayo ng stress at high blood pressure, alam n’yo na, ha?
Gets mo?





Comments