Sermon ng pari wa’ ‘wenta — Digong | ‘WAG NA KAYONG MAGSIMBA!

TAHASANG sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na dapat nagtutungo sa Simbahan ang publiko at sa halip, magpagawa na lamang ng kanilang sariling chapel sa bahay.
Sinabi ng pangulo na napaglipasan na rin ng panahon ang mga itinuturo sa Simbahan at ang mga itatayong chapel ay doon na lamang magdasal ang mga tao.
“You don’t have to go to church to pay for these idiots,” ani Duterte sa kanyang talumpati sa groundbreaking ng Davao City Bulk Water Supply Project.
“Ang mga tao noon nomads. What do they know about the world today? Tapos pasundin mo ‘yang sinusulat ninyo? Totoo. How can the people there 3,000 years ago predict or project what is happening today? And it’s only the archaic church of — because it’s getting money, that’s all. You are supporting a… you build a chapel on your own house and pray there. You do not have to go to church to pray for these idiots.”
Ikinatuwiran pa ng pangulo na kahit na kaibigan niya ang ilang pari ay hindi naman niya hinihikayat ang mga tao na magbigay ng pera sa mga bishop.
Ah, pero ‘yung ibang pari kaibigan ko. Magbigay kayo sa maa, sa… pero ‘yung obispo? Ay susmaryosep. Maghingi pa ng sakyanan sa gobyerno, knowing fully well that it is corruption, as there is a separation of church and state. ani Duterte.
Una nang inakusahan ni P-Duterte na sa kabila na matatapang, nanghihingi naman umano ng sasakyan ang mga Obispo sa gobyerno na labag naman sa Saligang-Batas. And you have the balls, brave as you are, to ask property of the government,”dagdag pa ng Punong Ehekutibo.





Comments