Pagkaing dapat iwasan para hindi tumaas ang uric acid
- BULGAR

- Nov 27, 2018
- 1 min read
Dear Doc. Shane,
Nakita sa resulta ng abdominal ultrasound ng tatay ko ang pagkakaroon ng kidney cyst. Nais kong malaman kung ano ang sanhi at ang mga dapat iwasan? — Ferdie
Sagot
Ang madalas na consumption ng pagkain at inumin na mataas sa uric acid ay hindi makabubuti sa kalusugan ng tao kaya mainam na iwasan ang pagkain ng mga laman-loob ng hayop na nagtataglay ng pinakamataas na level ng uric acid.
May ilang isda at seafood na may mataas na uric acid tulad ng dilis, tuyo, lobster, scallops at hipon. Gayundin, sa mga mabutong gulay o pagkain tulad ng nuts at beans.
Ang mga alcoholic at mabulang inumin ay sinasabing kasama sa pinagmumulan ng mataas na level ng uric acid tulad ng beer, softdrinks, alak at sabaw ng buko. Maging ang mga kape na galing sa coffee beans ay maaaring maging sanhi ng uric acid gayundin, ang oatmeal, taho at tofu.
Mainam na ipalit sa regular diet ang mga nagtataglay ng mataas na level ng magnesium at mas mababang level ng calcium upang mapababa ang uric acid build-up sa dugo ng pasyente.
Halimbawa ng pagkaing mayaman sa magnesium ay ang mais, patatas at avocado.
Sa panahong lumagpas na sa acceptable level ang uric acid sa dugo ay maaari na itong magdulot ng problemang pangkalusugan tulad ng gout, metabolic acidosis o ang pagbaba ng alkalinity sa dugo, lead poisoning, leukemia, toxemia o impeksiyon sa dugo at renal disease tulad ng kidney stones at kidney cysts na kapag hindi naagapan ay maaaring mauwi sa kidney failure.




Comments