Naningil ng utang, binayaran ng bala
ISANG 50-anyos na lalaki ang namatay makaraang barilin ng lalaking sinisingil nito sa utang sa Sarangani.
Nakilala ang biktima na si Edwin Tula, residente ng Datu Piang, Maguindanao.
Batay sa ulat, tinambangan ng hindi nakilalang suspek si Tula ilang saglit matapos nitong maningil ng utang sa kanya hindi kalayuan sa bahay nito.
Nakuha sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng caliber .45 pistola.
Matapos barilin, nagawa pang kunin ng suspek ang dalang bag ng biktima na naglalaman ng P160,000 cash.
Tinutugis na ng mga awtoridad ang suspek.





Comments