top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

MMDA, dinagdagan ang multa ng mga lalabag sa yellow lane policy!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 27, 2018
2 min read

MATATANDAANG, pinaigting ng Metropolitan Manila Development Au­thority (MMDA) ang pagpapatupad ng yellow lane policy sa kahabaan ng EDSA upang mabawasan ang matinding trapik na ating nararanasan sa kasalukuyan.

Ang yellow lane ay eksklusibong itina­laga sa mga pampublikong sasakyan tu­lad ng bus at hindi ito maaaring gamitin ng mga pribadong sasakyan.

Kaya lang, ayon sa MMDA, marami pa rin ang lumalabag sa batas at tila hin­di natatakot sa parusang maaari nilang pag­bayaran kaya naman ngayon ay ti­na­asan na nila ang multa para sa mga sumusu­way sa yellow lane policy.

Sinabi ni MMDA Spokesperson at Assistant Secretary Celine Pialago, mula P200 ay P1, 000 na ang multa ng city buses na lalabag sa polisiya, samantalang, ang mga pribadong sasakyan ay pagmu­multahin ng P500.

Sa totoo lang, importante na sinusu­nod ito ng mga motorista dahil tayo rin ang makikinabang dito kung sakaling maging matagumpay ang implementas­yon nito.

Sa kasalukuyan, mayroong 80 hang­gang 90 kotse ang bumubuo at dumaraan sa EDSA.

Kaya ang paalala sa lahat, kung ayaw magmulta ay sumunod na lamang sa polisiya at huwag nang magpasaway pa!

Gayundin, hiling natin na kung may mga batas na ipinatutupad ang gobyer­no, respetuhin at pakinggan ito, lalo na kung maganda ang magiging epekto para sa nakararami.

Samantala, ang panawagan natin sa mga kinauukulan, huwag maghigpit kung kailan lang may mga lumalabag, gawin ito dahil ‘yun ang nararapat nang sa gayun ay tuluyan nang matuldukan ang matinding trapik sa bansa!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page