top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Kelot hinataw sa ulo, dedo

Mylene Alfonso
Nov 27, 2018
1 min read

PATAY ang isang 33-anyos na lalaki na pinagpapalo ng matigas na bagay sa ulo at katawan ng hindi pa nakikilalang suspek sa Malate, Manila.

Alas-9:50 ng umaga kahapon nang tuluyang bawian ng buhay ang biktimang si Marco Rey Acapulco habang ginagamot sa Ospital ng Maynila.

Batay sa imbestigasyon ni SPO2 Joseph Kabigting, naganap ang insidente alas-10:00 ng gabi sa Baywalk area sa panulukan ng Roxas Boulevard at Pedro Gil St. Malate.

Isinugod ng mga bystander ang biktima sa pagamutan pero, itinawag ito sa MPD-HS, kinabukasan alas-10:00 ng umaga nang ideklarang patay ang biktima.

Nalaman na wala umanong malay ang biktima nang dalhin sa ospital. Patuloy naman ang imbestigasyon para madakip ang suspek at mabatid ang motibo sa krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page