top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kasama ang 2 babae | PULIS NIRATRAT, TODAS

  • Gina Pleñago
  • Nov 27, 2018
  • 1 min read

TINAMBANGAN ang isang retired police ma­jor nang pagbabarilin ng riding-in-tandem kahapon sa Pasay City.

Naitakbo pa sa San Juan de Dios Hospital si retired Police Chief Inspector Ro­berto Razon, 52, ng Metro Real, Montalban, Rizal.

Hindi naman tinamaan ng bala ang dalawang baba­eng sakay nito na nakilalang sina Menchie Ramos at Flo­rabelle Legazpi, kapwa nasa hustong gulang.

Nagsasagawa na ng fol­low-up operation ang pu­lisya para sa pagkaka­kilan­lan ng mga suspek.

Sa inisyal na ulat ni Pa­say City Police Chief Sr. Supt. Noel Flores, nangyari ang pananambang alas-12:09 ka­hapon ng tanghali sa panulukan ng Diokno Boulevard at Parkway St.

Kagagaling lamang mag-inspeksiyon ng biktima sa mga security guard ng So­laire Hotel and Casino ha­bang binabay­bay nito ang naturang lugar na mina­maneho ang itim na To­yota Vios lulan sina Ramos at Le­gazpi nang sumulpot ang isang motorsiklo na hindi naplakahan.

Isa sa mga suspek ang bumunot ng baril at pinag­babaril ang kotse ng biktima saka tumakas.

Tinamaan ang nabang­git na biktima dahilan upang isu­­god sa nabanggit na ospital pero binawian din ito ng buhay.

Isa sa sinisilip na motibo ay negosyo nitong secu­rity agency na hindi muna bi­nang­git ang pangalan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page