Ibinebenta nang mas mura | MGA LIBRONG ILIGAL NA INIMPRENTA, NASAMSAM
- Mylene Alfonso
- Nov 27, 2018
- 1 min read

NASAMSAM ng National Bureau of Investigation (NBI) ang daan-daang libro na iligal na inimprenta sa isang bodega sa Morayta corner Claro M. Recto Ave., Manila.
Alas-12:00 ng tanghali nang salakayin ng mga tauhan ng NBI-Intellectual Rights Property Division ang bodega at dito nakita ang iba’t ibang uri ng libro na iligal na inimprenta.
Una rito, nagreklamo sa NBI ang Rex Publishing dahil umano sa mga iligal na inimprentang libro saka ibinebenta nang mas mura sa kahabaan ng Recto.
Kabilang sa nasamsam ng ang law, medical, accounting books, high school at elementary books.
Inaalam pa ng NBI kung sino ang may-ari ng naturang bodega at mga inimprentang libro.





Comments