Bulkang mayon nag-alburoto

NAGPAKAWALA ng dalawang phreatic eruption ang Bulkang Mayon sa Legazpi City, Albay kahapon.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagputok alas-7:59 ng umaga at alas-8:05 ng umaga.
Nagbuga ng grayish hanggang grayish white na ash plume ang bulkan na may taas na 300 hanggang 500 metro.
Nasa Alert Level 2 ngayon ang Mayon Volcano na nangangahulugan na ang estado nito ay moderate level.
Patuloy ang babala ng Phivolcs sa publiko na maaaring magkaroon ng biglaang pagputok, lava collapses, ashfall at pyroclastic density currents sa bulkan.
Bawal pa rin ang pagpasok sa six kilometer radius Permanent Danger Zone nito.





Comments