2 pulis utas sa riding-in-tandem
PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ang dalawang dating miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa Bgy. Tabunoc, Talisay City, Cebu.
Dead-on-the-spot sina Edgar Causon at Ferdinand Navales, na papauwi na sana galing sa isang kapihan.
Ayon kay Police Chief Insp. Ardy Cabagnot, si Causon ang unang binaril ng suspek kaya hinala ng pulisya ay maaaring ito ang target ng pananambang.
Gayunman, bumunot ng baril si Navales para gantihan ang mga salarin kaya maging siya ay binaril din.
Ang dalawa ay kapwa dating naitalaga sa PNP Region 7 at nagretiro noong 2017. Huling nadestino si Causon sa Pardo Police Station sa Cebu City habang sa provincial intelligence branch naman si Navales.
Hinala ni Cabagnot, personal ang posibleng motibo sa pamamaril.





Comments