‘PINAS, LALARGA SA WORLD BASEBALL

LALAHOK ang ‘Pinas sa World Baseball Championships na gagawin sa United States sa susunod na taon kasama ang “Big Three” sa Asia Japan, South Korea at Chinese Taipei. Pumang-apat ang Pinas sa 7 bansang nakuwalipika na ginawa sa Chinese-Taipei at nakapasok sa tournament proper kung saan makikipagsabayan ang mga Pinoy sa mga bigating teams sa mundo. Bukod sa ‘Pinas, Japan, Korea at Chinese Taipei, naglaro rin ang Sri Lanka, Hong Kong, at Pakistan at lahat tinalo ng mga Pinoy.
Ang ‘Pinas ang reigning champion sa Southeast Asian Games at East Asia Cup na sinalihan ng Iran, India, Pakistan, Sri Lanka at Hong Kong.
Ang baseball ay kasama sa 2019 SEAG at paboritong manalo uli ang Pinoy dahil ang kanilang skills ay superior sa ibang teams sa rehiyon.
Nagtangka ang Indonesia at Thailand na putulin ang monopolyo ng ‘Pinas sa baseball subalit lahat sila bigo. Hindi lang Asian countries, may ilang bansa rin na mula sa limang kontinente ang kalahok sa torneo na may basbas ng International Baseball Association.





Comments