Presyo ng mga pang noche buena, tumaas na
- Jeff Tumbado
- Nov 26, 2018
- 1 min read

TUMAAS na ang presyo ng hamon at ilang grocery items.
Ayon sa Philippine Amalgamated Supermarkets Association, Inc. at Department of Trade and Industry (DTI), kasama sa mga nagtaas ng presyo ngayong Nobyembre ang ilang brands ng processed meat products at sandwich spread na tumaas ng hanggang 10 porsiyento.
Nagmahal din ang ilang snack foods ng hanggang 12 porsiyento. Nagkaroon naman ng kaunting paggalaw sa presyo ng spaghetti, noodles, tomato sauce at all-purpose cream.
Samantala, inaasahang hindi na rin umano gagalaw ang presyo ng mga grocery item sa Disyembre kasabay ng pagtiyak na sapat ang suplay ng mga noche buena product para sa holiday.
Ipinapayo naman na mamili nang maaga at maging malikhain sa mga ihahanda para makatipid.
Kaugnay nito, nakatakdang maglabas ng bagong listahan ng suggested retail price ng mga pangunahing bilihin sa Disyembre.





Comments