top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Parak binentahan | 3 HULI SA SHABU

Maeng Santos
Nov 26, 2018
1 min read

TATLONG hinihina­lang sangkot sa iligal na droga ang naaresto matapos mag­benta ng shabu sa pulis sa buy-bust operation sa Va­len­zuela City.

Ayon kay Valenzuela Police Chief Sr. Supt. Da­vid Nicolas Poklay, alas-10:00 ng gabi nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy-bust operation kon­tra sa isa umanong drug pusher na si Marlon dela Cruz at kanyang kasama na si Luisito Martin alyas Jack, sa Libo St., Bgy. Malanday.

Nagawang makabili ng isang plastic sachet ng shabu kay Dela Cruz ang isang un­dercover police na nagpang­gap na poseur-buyer kapalit ng P200 marked money at pagkatapos ng transaksiyon, agad lumusob ang mga na­kaantabay na operatiba at inaresto ang mga suspek.

Narekober sa mga sus­pek ang apat na plastic sachets ng hinihinalang shabu, buy-bust money, ilang drug paraphernalias at P300 cash.

Samantala, unang na­sa­kote ang isa pang hinihi­na­lang tulak na si Daryl de Guzman sa buy-bust ope­ration sa Gen T. De Leon alas-7:15 ng gabi at nakuha sa suspek ang tatlong plastic sachets ng hinihinalang shabu at P200 buy-bust money.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page