top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

P400-K party drugs nakumpiska | 4 ONLINE TULAK, ARESTADO

Jeff Tumbado
Nov 26, 2018
1 min read

SAMU’T SARING illegal drugs ang nasabat ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) at Manila Police District (MPD) sa isang gasolinahan sa Katipunan Avenue, Quezon City.

Una rito, nagkasa ng buy-bust operation ang drug enforcement unit ng QCPD Station 9 at MPD Station 5 (Ermita) alas-11:30 ng gabi ng Sabado sa isang apartment building na nagresulta sa pagkakaaresto ng apat na suspek.

Nakilala ang mga suspek na sina Daniel Concepcion, Richard Martinez, Michael Villasanta at Rakesh Bhogwan.

Umabot sa 208 capsule ng party drugs at dalawang sachets ng hinihinalang cocaine ang nakumpiska na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P400,000.

Ayon sa mga awtoridad, nakikipagtransaksiyon ang mga suspek sa pamamagitan ng pakikipag-chat sa internet kung saan target ang mayayamang kabataan.

Bukod sa droga, nasamsam din ang apat na cellphone at tatlong sasakyan ng mga suspek.

Inaalam pa kung kanino kumukuha ang mga suspek ng iligal na droga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page