top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

NU BULLPUPS, NAKAHAKBANG PALAPIT SA FINALS VS. UPIS

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 26, 2018
1 min read

PINADAPA ng Natio­nal University ang Uni­ver­sity of the Philippines Integrated School, 25-13, 25-14, 25-19, upang ma­kalapit sa target na out­right Finals berth noong nakaraang Sabado sa boys division ng UAAP Season 81 high school volleyball tournament sa Blue Eagle Gym.

Umiskor si Mac Ban­dola ng 9 na puntos na tinampukan ng apat na service aces habang ka­sunod si Michael Fortuna na may 7 puntos upang pamunuan ang Bullpups sa pagposte ng ika-13 su­nod nilang panalo.

Tanging ang Far Eas­tern University-Diliman na lang ang natitirang ba­lakid para sa target ng NU na direktang pagpasok sa best-of-three champion­ship.

Sa iba pang laro, pina­sadsad ng Adamson U ang FEU-Diliman, 25-20, 25-22, 25-18, pinayukod ng UE ang Ateneo, 25-3, 25-17, 25-21, habang ti­nalo ng defending cham­pion University of Santo Tomas ang De La Salle-Zobel, 25-19, 25-16, 25-15.

Bunga ng kanilang pa­nalo, tumaas ang Tiger Cubs sa ikalawang pu­wes­to at tumabla sa Baby Ta­maraws na nalaglag sa markang 9-4, panalo-talo.

Nakabuntot sa kanila ang Junior Warriors at Baby Falcons na may iden­tical 8-5 na kartada. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page