HOROSCOPE | NOBYEMBRE 26, 2018 (Lunes)
- BULGAR

- Nov 26, 2018
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG NOBYEMBRE 26, 2018 (Lunes): Napakaraming malalaking suwerte ang nakalaan para sa iyo, kaya lang sa iba napupunta ang mga ito dahil sa kapabayaan mo. Mas magandang asikasuhin mo ang sarili mong buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hawak mo mismo ang mga suwerte mo kaya aangat ka nang husto. Kumilos ka nang kumilos nang sa gayun ay maiwanan mo ng milya-milya ang iyong mga kakumpitensiya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-19-20-25-34-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Alagaan mo ang paborito mong halaman sa munting hardin na iyong napabayaan. Sa ganito, magdaratingan sa buhay mo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-24-29-33-34-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Isuot mo ang luma mong kuwintas, pero ibalik mo muna ang kislap nito dahil ito mismo ang pinakaepektibong pampasuwerte mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-18-21-28-32-43.
CANCER (June 21- July 22) - Pakinggan mo ang sinasabi ng iyong kutob na malalayo ka sa mga hindi magagandang bagay, pero ang mga suwerte ay kusang maglalapitan sa iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-15-16-27-35-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mahirap paniwalaan, pero ang pampasuwerte mo sa mga araw na ito ay ang sikat ng Haring Araw. Lumabas ka ng bahay at magpasikat ka sa araw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-21-27-30-37-44-46.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hadlangan mo ang utos ng iyong isip. Para magawa mo ito, gawin mo ang iyong mga plano na hindi mo nagawa sa nakaraan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-11-14-23-38-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bagong damit ang pampasuwerte mo. Hindi mahalaga kung malaki o maliit lang ang presyo nito. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-19-28-31-35-39.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Manahimik ka! Katahimikan ang pampasuwerte mo ngayon na nagsasabing ang magagandang kapalaran ay darating sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-14-25-27-32-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ang sinabi mo, gawin mo! Ang pabagu-bago ng isip ay hindi makabubuti para sa iyo. Ito rin ay magdadala sa iyo sa mas maraming suliranin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-19-20-23-39-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakatutuwa ang sinasabi ng kapalaran mo ngayon na kapag tingin ka nang tingin sa orasan, ang mga magagandang bagay ay magdaratingan sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-11-17-29-37-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang mag-alala, sa halip ay matuwa ka kapag biglang nagbago ang iyong pasya. Dahil dito, magbabago rin ang takbo ng iyong kapalaran at mas lalo itong gaganda. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-14-15-23-33-36.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi puwede na nasa bahay ka lang, mamasyal ka kahit saan. Makabubuti ito para sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-19-21-25-27-32.




Comments