Graduate ng drug rehab | TRIKE DRIVER DEDO SA RIDING-IN-TANDEM
- Jeff Tumbado
- Nov 26, 2018
- 1 min read
TODAS ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Bgy. Rima-Rizal, Iloilo City.
Kinilala ang nasawi na si Nestor Piagola, Jr., 33, residente ng Bgy. De La Rama, dati nang sumuko sa Oplan Tokhang.
Ayon kay Iloilo City Police Station 1 Chief Supt. Jonathan Pablito, naghihintay lamang ng pasahero si Piagola nang pagbabarilin ito ng mga suspek na sakay ng motorsiklo.
Graduate umano ang biktima ng drug rehabilitation program ng pulisya.
Ayon kay Pablito, hindi pa masasabing may kaugnayan sa droga ang kaso.
Samantala, hihilingin ni Pablito sa lokal na pamahalaan at Land Transportation Office na higpitan ang mga batas sa mga motorsiklo na walang plaka.





Comments