top of page
Pokwang.jpg

Bar exams, generally peaceful — MPD

Mylene Alfonso
Nov 26, 2018
1 min read

NAGING mapayapa sa pangkalahatan ang pagdaraos ng 2018 Bar Examination sa University of Sto. Tomas (UST).

Ito ang ipinagmalaki ng pamunuan ni Manila Police District-Police Station 4 Spokesperson P/Senior Inspector Philipp Ines, kahapon sa huling Linggo ng naturang pagsusulit.

Nagpatupad naman ng mas mahigpit na seguridad ang pulisya sa huling Linggo ng pagsusulit, partikular na dahil sa dumoble ang bilang ng mga nagtungo roon.

May 100 pulis naman ang idinagdag para magbigay ng seguridad sa lugar.

Naglagay na rin ng barikada ang mga pulis sa bangketa ng España Boulevard dahil sa rami ng mga tagasuporta ng mga Bar examinee na nagtungo sa UST na tinatayang aabot sa mahigit 2,000.

Ang mga tauhan naman ng bomb squad at K-9 units ay nag-iikot din sa paligid ng unibersidad upang tiyakin ang seguridad.

Umabot sa 8,701 examinees ang kumuha ng pagsusulit ngayong taon, na ayon sa Supreme Court ay pinakamarami sa mga nakalipas na taon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page