top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Bagyong Tomas posibleng balik-‘Pinas — pagasa

Jeff Tumbado
Nov 26, 2018
1 min read

NAPANATILI ng Bag­yong Tomas ang lakas ng hangin na 145 kilometers per hour malapit sa gitna at may pagbugso na 180 kilometers per hour.

Base sa advisory ng PAG­ASA, patuloy na bu­mabagal ang kilos ng bagyo sa direksiyon na southwest­ward.

Namataan ang bagyo sa 1,505 kilometers east ng Aparri, Cagayan.

Bagamat, nakalabas na ng Philippine Area of Res­pon­sibility (PAR), inaasa­hang babalik sa Pilipinas ang bagyo sa susunod na labindalawa hanggang labinwalong oras.

Pero ayon sa PAGASA, hindi naman inaasahan na magla-landfall ang bagyo at walang direktang epekto sa bansa.

Nagbabala ang PAG­ASA na masyadong mapa­nganib na pumalaot sa sea­boards o karagatan ng Central Luzon, Southern Luzon at Visayas dahil sa malakas na alon dulot ng northeast mon­soon.

Wala namang nakataas na Tropical Cyclone War­ning Signal sa bansa.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page