top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Babala sa madalas na malakas ang regla!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 26, 2018
1 min read

Dear Doc. Shane,

Ako ay 46 years old at may 5 anak, problema ko ang aking malakas na regla at madalas ito. Ito na ba ang senyales na malapit na akong mag-menopause? —Adoracion

Sagot

Ayon sa mga gynecologist, mali ang paniniwala ng ilang kababaihan na ang malakas at madalas na pagkakaroon ng regla habang nagkakaedad ay sintomas ng “menopause” o ang yugto ng permanenteng paghinto ng regla ng babae.

Gayundin, habang papalapit na ang pagme-menopause ng babae, dapat ay “humihina at kumokonti” ang pagkakaroon nito ng regla at hindi papalakas at dumadalas.

Madalas, ang pagkakaroon ng regla habang nagkakaedad ay maaaring sintomas ng abnormal uterine bleeding o pagdurugo ng matris.

Maituturing lamang na menopause na ang babae kapag lumipas ang isang taon na hindi siya nagkakaroon ng regla. Karaniwan na sa kababaihang na makaranas ng menopause sa edad 50 at 51. Sa edad 45, nangyayari ang “perimenopause” o ang pagbabago ng kalagayan bago mag-menopause.

Gayunman, mainam kung magpakonsulta agad sa doktor ang babae kapag siya ay dinugo kahit nag-menopause na ito o lumipas na ang isang taong hindi nagkakaroon ng regla.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page