After 95 years | PRANGKISA NG ELECTRIC COMPANYA SA ILOILO, TAGILID


UMAPELA kahapon ang city council at mga residente ng Iloilo sa Panay Electric Company (PECO) na tanggapin na ang hindi pag-renew ng Kongreso sa kanilang prangkisa at hayaan ang maayos na paglilipat ng operasyon sa bagong distribution utility sa ngalan na rin ng mga consumer na matagal nang nagtiis sa kanilang palpak na serbisyo.
“Enough is enough, Mr. PECO. The people have spoken. Congress has spoken. Kayo lang ang hindi nakikinig, eh. Tama na, napagbigyan naman na kayo ng 95 years, eh,” pahayag ni Iloilo City Council Joshua Alim.
Ngayong araw nakatakdang magbigay ng briefing ang More Power and Electric Company sa konseho para malaman ng lokal na pamahalaan ang mga gagawin nitong hakbang para masiguro na hindi maantala ang supply ng kuryenye sa oras na magkaroon ng takeover ng operasyon.
Sa ngayon, may 1,800 reklamo mula sa consumers ang nakabimbin laban sa nasabing electric company. (BRT)





Comments