top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Aarestuhin, pumalag | PULIS TODAS SA SUSPEK

Gina Pleñago
Nov 26, 2018
1 min read

NABARIL at napa­tay ang hepe ng Intelligence section ng Pasay City Police nang barilin ng aarestuhing suspek na nagtago ng halos tatlong buwan matapos tu­makas sa Pasay City Jail.

Kinilala ni Pasay City Police Chief Sr. Supt. Noel Flores ang napatay na pulis na si Sr. Insp. Manuel Tay­tayon, Jr., ng Intel section habang patay din ang suspek na si Marc ‘Nico’ Delemios, 26, miyembro ng Batang City Jail (BCJ) na may mga kasong carnapping, rob­bery with homicide at murder sa Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 115.

Napag-alaman na tu­makas si Delemios, na si­na­sabing sangkot din sa pag­patay sa Grab driver na si Gerardo Maquidato, Jr., 37, noong Oktubre 26, 2017.

Si Delemios ay tumakas sa Pasay City Jail noong Agosto 15, 2018 matapos ni­tong tuklapin ang kisame ng bodega ng kulungan na nasa ikaapat na palapag.

Ayon kay Sr. Supt. Flo­res, nagsagawa ng follow-up operation si Taytayon ban­dang alas-3:00 ng hapon makaraang makakuha ng im­pormasyon na nagtatago si Delemios sa bahay ng kan­yang lola sa Bgy. 184, Don Carlos Village, Baclaran.

Nakatunog umano si Delemios na paparating ang mga pulis at nagawa pang pasukuin ng mga pulis ang suspek subalit, agad itong nag­paputok kung saan tina­maan sa dibdib at katawan si Taytayon.

Gumanti naman ang mga tauhan ni Taytayon at naka­takbo pa ang suspek sa ika­apat na palapag at doon na ito nabaril.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page