top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

‘Build, Build, Build’ ni P-Duterte | 300,000 pamilya, mawawalan ng bahay

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 26, 2018
1 min read

TINUTULAN ng ilang grupo ang programang ‘Build, Build, Build’ ng ad­ministrasyong Duterte sa pangambang da­ang-libong pamilya ang mawawalan ng tirahan dahil matatamaan ng mga pro­yekto.

Aabot umano sa 300,000 pamilya sa National Capital Region ang mawawalan ng bahay dahil sa mga itinata­yong imprastruktura sa ilalim ng programa tulad ng ex­tension ng North Luzon Expressway (NLEX).

Sa isang pahayag ni Emil Pineda, kinatawan ng Sam­­paloc People’s Alliance, hin­di lamang ang mga nag­tayo sa lupa ng iba ang tatamaan kundi maging ang mga le­hitimong residente.

Kaugnay nito, umaasa ang ilang residente na maa­apektuhan sa programa na sasabihan sila ng gobyerno kung ano ang magiging plano sa kanilang mga ma­wawalan ng bahay.

Samantala, wala pang sagot ang Department of Public Works and Highways sa mga isyung ibinabato ng grupo. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page