Shabu taya sa sugal, 7 arestado
- Maeng Santos
- Nov 25, 2018
- 1 min read

PITONG hinihinalang drug personalities kabilang ang 31-anyos na bebot ang naaresto ng mga pulis dahil sa paglalaro ng cara y cruz sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Mark Amorsolo, 27; Maria Christina Borromeo, 31; Zosimo Agban, 46; Ryan Garcia, 29; Rolando Bajamonde, 41; Jeffrey Arquilles, 35, at Charles Andrew Piedad, 22.
Ayon sa ulat, alas-7:30 ng gabi, nagsasagawa ng anti-criminality campaign ang mga tauhan ng Police Community Precinct-7 sa pangunguna ni PSI Jeraldson Rivera sa kahabaan ng Riverside, Bgy. 160 nang maaktuhan ang mga suspek na naglalaro ng cara y cruz na naging dahilan upang arestuhin ang mga ito.
Narekober sa lugar ang 3 peso coins na gamit bilang “pangara”, P440 bet money at pitong plastic sachets na naglalaman ng hindi pa mabatid na halaga ng hinihinalang shabu.





Comments