Sa kasagsagan ng 2019 elections | MAS MARAMING SUNDALO, IKAKALAT

MAS maraming sundalo ang ipakakalat sa mga rehiyon na posibleng kontrolin ng mga komunistang grupo sa kasagsagan ng 2019 elections.
Ito ang pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, isang araw matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga ng mas maraming sundalo sa Bicol, Samar at Negros provinces dahil sa umano’y “number of sporadic acts of violence”, kamakailan.
Paliwanag ni Lorenzana, ito ang pagkontrol ng New People’s Army (NPA) para hindi makapagkampanya ang mga kandidatong hindi magbabayad sa kanila.
Aniya, maituturing na kritikal ang sitwasyon ng nasabing mga lugar sa panahon ng eleksiyon.





Comments