Pulis, 2 pa arestado sa pampasabog
- BULGAR

- Nov 25, 2018
- 1 min read

TIKLO ang isang pulis at dalawa pang lalaki sa Tagum City, Davao del Norte kaugnay sa pagbebenta umano ng mga sangkap pampasabog.
Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), una nilang naaresto ang mag-amang Felix at Mark Aleria na umano’y runner sa pagbebenta ng mga bomba.
Nahuli naman si PO2 Glenn Magalso nang makipagkita ito sa mag-amang suspek. Itinuro ng mag-ama si Magalso na siyang may-ari ng mga natuklasang mga pampasabog.
Nakuha mula kay Magalso ang isang baril at mga cellphone na ginagamit sa transaksiyon.
Nasamsam din ang 15 sako ng chemicals, blasting caps at iba pang gamit pampasabog na nagkakahalagang P270,000.
Kaugnay nito, sasampahan ang mga suspek ng kasong illegal possession of explosives. (BRT)





Comments