Pekeng yosi na may pekeng BIR stamps, nasabat

KINUMPISKA ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang higit sa kalahating milyong pakete ng mga sigarilyo na nilagyan ng pekeng BIR stamps.
Unang sinalakay ng BIR National Office Strike Force Team ang isang bahay sa Don Manuel Agregado St., Bgy. Sto. Domingo, Quezon City, Biyernes ng gabi.
Nakakuha ng 600 kahon ng pekeng sigarilyo na may mga pekeng BIR stamp.
Sa kabuuan, nagkakahalagang P105 milyong buwis ang dapat na binayaran ng may-ari ng nasabing kargamento.
Kasunod nito, isang bahay naman sa kahabaan ng Cabatuan St., Caloocan City ang nilusob ng mga awtoridad. Nakakumpiska ng 500 kahon ng mga pekeng sigarilyo na mayroon ding pekeng BIR stamps.
Kung dumaan sa legal na proseso, aabot sa P87 milyong buwis ang dapat na binayaran ng may-ari ng nasabing kargamento.





Comments