Mosque binomba, 12 todas
Jersey Sanchez
Nov 25, 2018
1 min read
PATAY ang 12 katao matapos ang pagsabog sa isang mosque sa loob ng Afghan army base sa Mansozai District, Khost, Afghanistan.
Nag-aalay ng dasal ang mga sundalo sa lugar nang sumabay ang pagsabog.
33 katao umano ang sugatan ayon sa tagapagsalita ng Khost provincial governor na si Talib Mangal.
Miyembro ng Afghan security forces ang karamihan sa mga nasawi.
Samantala, hindi pa natutukoy ng awtoridad kung sino ang responsable sa nasabing pagsabog.





Comments