Kaya inayawan ng padir ng aktres… GOMA, NEVER SINERYOSO SI SHARON KAHIT 7 YRS. NAGING MAG-BF
- BULGAR

- Nov 25, 2018
- 1 min read

BUKOD kay Dawn Zulueta, ang Megastar na si Sharon Cuneta ang inakala ng lahat na magiging misis ni Richard Gomez. Naging saksi kasi ang buong showbiz sa naging relasyon noon ng dalawa.
Maraming fans ang kanilang pinakilig. Marami ang umasa na after Gabby Concepcion, si Goma na ang Mr. Right na para kay Mega.
Kung tutuusin, match naman sila sa lahat ng aspeto. Pero, naunsiyami nga ang pinakaaabangang pagpapakasal nina Shawie at Richard. May mga nagtsika na mismong daddy ni Sharon na si dating Pasay City Mayor Pablo Cuneta (SLN) ang umayaw kay Goma.
At ang dahilan daw ng pagtutol noon ni Mayor Cuneta ay hindi nagbanggit si Goma na handa niyang pakasalan si Sharon.
In short, wala nga sa plano ni Richard na pakasalan ang Megastar at ibigay ang kanyang apelyido rito. Kaya, kay Lucy Torres napunta si Richard Gomez at ang kanyang misis ang naging daan upang magkaroon ng political career si Goma.
Well, kahit sabihin pang 7 years ang naging relasyon nina Sharon at Richard, kung hindi talaga sila destined para sa isa’t isa, eh, hindi maipipilit. Hindi sila meant for each other, kaya hanggang sa pelikula na lang ang kanilang romansa.





Comments