top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

HOROSCOPE | NOBYEM­BRE 25, 2018 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 25, 2018
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG NOBYEM­BRE 25, 2018 (Linggo): Kung hindi mo magawang mag-abroad agad-agad, ma­masyal ka sa malala­yong lugar dahil ang pag­layo ay pampasuwerte sa iyong kapalaran.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gamitin mo ang iyong ma­­yamang ima­hi­nasyon para mapalago mo ang iyong kabuhayan. Kung puwede, huwag mo itong gamitin sa ibang ba­gay, lalo na sa pag-iisip ng negatibo. Masuwer­teng ku­­lay-black. Tips sa lotto-6-17-22-26-34-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumuha ka ng lakas sa mga ta­ong nagma­mahal sa iyo. Lumayo ka sa mga pabigat lang sa bu­hay, halimbawa, ang mga taong umaasa sa iyo, pero nagagalit kapag hindi mo napagbibigyan. Masuwer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-3-11-19-20-23-34

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong pilitin ang ayaw makiisa sa iyo. Muli, sisirain lang nila ang mga araw mo kung kailan puwede kang kumita ng ma­­­laking pera. Ito ang men­sahe ng iyong kapa­la­ran ngayon. Masuwer­teng kulay-peach. Tips sa lotto-16-25-28-35-42-44.

CANCER (June 21- July 22) - Huwag kang mag-isip ng hin­di magan­da sa taong mahalaga sa iyo. Ang mabilis mang­hus­ga ay kada­lasang sanhi ng malaking prob­lema. Ma­suwerteng ku­lay-red. Tips sa lotto-19-21-25-27-36-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - La­lago nang husto ang iyong ne­gosyo kapag palagi kang nakikipagku­wentuhan sa mga suki mo. Huwag kang tumulad sa iba na walang kibo na pa­rang makina at robot. Ma­suwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-8-10-13-26-40.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dagdag-ka­ala­man ang na­ku­kuha ng ta­nong nang tanong, kaya bakit ka mahihiyang magta­nong? Ang lahat ay umu­unlad sa pagtatanong. Masu­wer­­teng kulay-white. Tips sa lotto-4-11-18-20-21-28.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mamasyal ka sa ibang lu­gar dahil kapag ma­ganda ang pasyalan, pu­ma­pangit din ito kapag madalas na pinupunta­han. Ang nakapupunta sa bagong lugar ay sumisigla at lumalakas. Masuwer­teng kulay-green. Tips sa lotto-5-17-21-28-36-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Isabu­hay mo ang sina­sa­bing, “ang tumutulong sa kapwa ay tutulungan naman ng la­ngit”. Kaya huwag kang magalit kapag ang tinulu­ngan mo ay nakalimot na. Masuwerteng kulay-yel­low. Tips sa lotto-1-19-29-30-38-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong ihi­hinto ang pagde­de­bosyon mo sa iyong kini­ki­lalang Diyos. Hindi man maniwala sa iyo ang nasa paligid mo, ito ang sikreto kung bakit ka pinagpa­pala. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-12-27-33-36.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mabilis kang aasenso. Sa pagsisikap at sa mga espesyal na tu­long ng mga nagmamahal sa malayo. Ituloy mo ang iyong pagsisikap, ito ang dahilan kung bakit ka ti­nutulungan ng ibang tao. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-17-21-28-35-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong pansi­nin ang mga nagpapasakit ng ulo mo. Ikaw ay nabubuhay para magsaya at hindi para ma­lungkot. Gawin mo ang mga bagay na magbibigay sa iyo ng ligaya. Masuwer­teng kulay-beige. Tips sa lotto-9-15-16-29-30-32.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ilagay mo sa kumikitang ne­­gosyo ang pa­parating na tulong sa iyo mula sa nasa itaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-11-14-25-31-35.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page