Ang sarap kasi ng kiss, nakakagayuma… SIKAT AT BYUTING AKTRES, JACKPOT SA DOM NA PULITIKO, NAKATIRA

BLIND ITEM:
WOW, grabeng suwerte naman ang dumating sa magandang aktres na sikat ngayon dahil sa kinabibilangan niyang serye.
Imagine, maganda na ang takbo ng kanyang career, nakabingwit pa pala ito ng super duper rich at influential papa na dating pulitiko pero ngayon ay mga negosyo na lang ang mas tinututukan.
May-edad na ang rich politician na matagal nang hiwalay sa nanay ng kanyang mga anak na mga nasa hustong edad na rin. Kilala si Mr. Pulitiko sa pagpapalit-palit ng girlalu na in fairness, ang gaganda lahat at ‘yung iba ay mga beauty queens pa nga.
Pero ang latest flavor of the month nga niya (but take note, mukhang seryoso siya, ha?) ay ang sikat ngayong aktres.
Nakarating sa aming inlab si Mr. Pulitiko kay aktres na wais, in fairness. Eh, kasi ba naman, balitang bukod sa itinira na ito sa mansiyon, binigyan pa ng maraming negosyo at properties ni Mr. Pulitiko.
Kaya naman, botong-boto at tuwang-tuwa naman ang family ng girl kay Mr. Pulitiko dahil iniangat nito nang bonggang-bongga ang kabuhayan nila.
Well, ang masasabi lang namin, baka masarap humalik ang girl at nagayuma si Mr. Pulitiko sa kiss nito.





Comments