Davao Occidental nilindol
(Vyne Reyes)
Nov 25, 2018
1 min read

TUMAMA ang Magnitude 3.9 na lindol sa Davao Occidental, kahapon ng hapon.
Batay sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 43 kilometers southeast ng Don Marcelino.
Niyanig ang nasabing lugar alas-12:49 ng hapon. May lalim itong 128 kilometers at tectonic ang origin.
Walang napaulat na pinsala sa lugar at wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.





Comments