Bagyong tomas nakalabas na ng bansa
- Jeff Tumbado
- Nov 25, 2018
- 1 min read

NAKALABAS na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Tomas subalit, malaki ang tsansa na muling pumasok sa bansa sa loob ng 24 oras.
Sa huling datos ng PAGASA, namataan ang bagyo sa bahagi ng Aparri, Cagayan at tinatahak ang direksiyong northeast sa bilis na 15 kilometro bawat oras.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 145 kilometro bawat oras na may bugsong 180 kilometro bawat oras.
Ayon sa PAGASA, hindi inaasahan ang landfall ng bagyo at wala itong direktang epekto sa bansa.
Gayunman, nagbabala ang PAGASA na mapanganib ang paglalayag sa northern at eastern seaboards ng luzon at eastern seaboard ng Visayas dahil sa hanging amihan.





Comments