top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

ABANGERS SA MGA DE BANDERA

  • Green Lantern
  • Nov 25, 2018
  • 1 min read

RENDA at LATIGO

INAABANGAN ng bayang karerista ang paghataw ng 2018 Philracom Grand Sprint Championship na gagawin sa Dis. 2 sa Metro Manila Turf Club sa Batangas.

Ang nasabing pakarera ay paglalabanan ng siyam na mananakbo na pawang de bandera. May nakalaang pa­premyo sa tatanghaling kampeon na tatanggap ng P600,000. at pagkakalooban ang 2nd place ng P225,000,P125,000 sa 3rd placer at P50,000 naman sa 4th placer.

Ang mga nominado sa karerang nabanggit ay pangu­ngunahan ng Boxmeer, Cleave Ridge, Dinalupihan, Lakan, Pinagtipunan, Putting Biyaya, Sheltex Magic, Son Also Rises at Song of Songs.

May nakalaang P30,000 na papremyo sa sino mang ka­bayo ang mananalo sa karera.

Samantala,labindalawang karera ang magaganap nga­yon sa Santa Ana Park sa Naic,Cavite. Ilan sa mga kabayo ang binibigyan ng malaking panalo ay Viva Morena, Wow Pogi, Super Spicy, Storm Chaser, Cassie Dear, Box Office.

Tip ni Mang Ding: 1 Viva Morena (5); 2 Spicy Time (5),Tequila Princess; 3 WoW Pogi(7) at Milady’s Luck

4 Super Spicy (6) ,Bull Star Rising (8); 5 Don Alberto (2) Swing Vote (3); 6 Pinas Paraiso (4) Wesfacckol (6); 7 Mino­taur (10) Amiga (1) Just Dreamin (7); 8 Storm Chaser (6) at Entry No.10; 9 Sunny Side (5) at Top Secret (3); 10 Cassie Dear (1); 11 Box Office (5) at Premo Jewel (3); 12 You are My Hero (7), Si Rookie (6)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page