top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

5 hepe at 15 parak, adik sa cellphone, sibak!

Jeff Tumbado
Nov 25, 2018
1 min read

NASA limang chiefs of police (COP) at iba pang na­katalaga sa Cebu City Police Office (CPPO) ang sinibak makaraang maaktuhang na­tutulog at naglalaro ng on­line mobile game habang sila ay naka-duty.

Kasong administratibo ang kinahaharap ng mga na­huling pulis sa isinaga­wang pag-inspeksiyon sa ka­ni-ka­nilang mga police outpost sa lungsod.

Ayon kay Cebu City Po­lice Office Director Senior Supt. Royina Garma, kabi­lang sa mga kakasuhan ang mga hepe mula sa Abellana, Parian, Mabolo, Guadalupe at Carbon Police Stations.

Bukod sa paglalaro ng mobile game at pag-power-nap, sinita rin ni Garma ang mga pulis na wala sa tamang bihis tulad ng maruming uniporme at hindi rin naka-tuck-in.

Isasailalim sa imbesti­gasyon ang nasabing mga pu­lis at gagamitin ang mga larawang nakuha sa inspek­siyon bilang ebidensiya.

Dagdag pa ni Garma, malaking tulong sana ang paglagay ng police outpost sa mga kalsada sa Cebu City at mas bababa sana ang bilang ng mga krimen kung hindi naglalaro sa cellphone at hin­di tutulug-tulog ang mga pulis.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page