top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

4 utas sa anti-drug operations

  • Janice Baricuatro
  • Nov 25, 2018
  • 1 min read

APAT katao ang naitalang nasawi sa sunud-sunod na operasyon na isinagawa sa Cavite, kamakalawa.

Base sa ulat mula sa tanggapan ni Provincial Director S/Supt. William Segun, ala-1:00 ng hapon nang ikasa ng mga tauhan ni Bacoor Chief P/Supt. Vicente Cabatingan ang simultaneous implementation ng anim na search warrants sa Bgy. Talaba 2, Bacoor City, na ikinasawi ng mga suspek na sina Venencio Vener Banatayo, Felimon Jun Roxas at isa pang hindi nakikilalang lalaki.

Pawang mga nakunan ng baril habang 23 pa ang nadakip na sangkot sa droga sa nasabing operasyon.

Samantala, sa Cavite City naman sa pamumuno ni P/Supt. Francisco Lucena III, alas-10:30 ng gabi nang mapatay sa buy-bust ang suspek na si Ferdinand Pangilinan II alyas BJ, residente ng Bgy. 48 A, San Antonio, Cavite City, matapos makatunog na mga pulis ang katransaksiyon nito.

Narekober dito ang isang .38 caliber revolver at isang sachet ng shabu.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page