2019 National Budget kahit nakabitin DAGDAG-SAHOD SA GOBYERNO, TULOY

HINDI umano mabibitin ang nakaumang na umento sa sahod ng mga sibilyang empleyado ng gobyerno at mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa susunod na taon.
Ito ay sa kabila ng posibilidad na mabitin ang pagtitibay ng 2019 General Appropriations Act bago magbakasyon ang sesyon ng ika-17 Kongreso sa Disyembre.
“The fate of the 2019 national budget will have no impact on the scheduled round of pay hikes next year for government personnel, civilian and military,” ani House Majority Leader Rolando Andaya, Jr.
Giit nito, tuloy ang wage increase at isasama na ito sa unang suweldo sa Enero ng susunod na taon.
“Fake news ang tsismis na nakasalalay sa budget ang nakaprogramang pagtaas ng suweldo ng mga kawani ng gobyerno sa susunod na taon,” dagdag pa nito.
Binanggit pa ng kongresista na ang batas na gumagabay sa wage hike ay nakahiwalay sa General Appropriations Act.
Samantala, aabot sa P121.7 bilyon ang inilaang pondo para sa salary increase ng mga civilian at military personnel ng national government.





Comments