Videoke bar na sex den, buking
- Maeng Santos
- Nov 24, 2018
- 1 min read
DALAWANG menor-de-edad ang naaktuhang nakikipag-sex sa mga customer matapos salakayin ang isang videoke bar na umano’y front ng prostitution sa Navotas Fish Port.
Ayon kay Navotas Maritime Police Station Chief Supt. Marlon Camatoy, alas-11:00 ng gabi nang salakayin ng team sa pangunguna ni Insp. Ferdinand Hermoso ang La Cebuana Videoke Bar sa Market 2.
Naaresto naman ang umano’y manager ng bar na si Rowena Catipay, 48, at kanyang pamangkin na si Erwin Duron, habang nakatakas ang umano’y may-ari na si Pastora Duron.
Bukod sa edad 16 at 17 na nahuling nakikipagtalik sa mga kostumer, nailigtas din ang dalawang babae na edad 18 at 26.
Sa imbestigasyon ni SPO2 Divina Garo, unang isinailalim sa surveillance operation ang nasabing videoke bar matapos ang natanggap na tip mula sa kanilang impormante na gumagamit ito ng mga menor-de-edad bilang sex workers.
Ani SPO2 Garo, nakarehistro ang establisimyento bilang restoran at hindi videoke bar.





Comments