top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

TAMA BANG KUNIN PA NI PACMAN NA COACH/TRAINER SI ROACH?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 24, 2018
  • 2 min read

NATAPOS na ang pagpapakilala ng pormal sa dalawang magsasagupa na sina Manny Pacquiao at Adrien Broner para sa laban nila sa Enero 20, 2019 na idaraos sa Las Vegas, pero ang pinakamalaking ikinagulat ng marami ay ang biglaang pagkuhang muli ni Pacman kay longtime mentor at itinuring na ama-amahan na si Freddie Roach bilang cornerman niya sa upcoming showdown na iyon.

Matatandaang pinutol na ni Pacquiao ang duty ni Roach bilang kanyang coach nang matalo siya kay Australian Jeff Horn noong 2017 sa Australia. Sa halip ay kinuha niyang kapalit bilang coach trainer ay ang kanyang kababatang si Buboy Fernandez na suwerte namang napa-knockout ni Pacman si Lucas Matthysse magmula nang i-handle siya ni Buboy.

Ano ba ang pumasok sa isip ni Pacman na ibalik uli si Roach na unang-una niyang sinabi na hindi na raw kakayanin ng kalusugan ng may Parkinson’s disease na mama ang trabaho bilang trainer. Nagdamdam lang din marahil si Pacman kay Roach na napakaraming sinasabi sa media hinggil sa kalagayan ni Manny, maging sa kakulangan daw ng training bago ang Horn fight at ang tuluyan nang pagreretiro ng Pinoy boxer matapos ang kontrobersiyal na laban etc.

Sa kabilang banda, marahil ay hindi lang nakakalimutan ng Pinoy ang ilang mga laban niya na nagpatumba sa ‘di mabilang na magigiting na boxer sa buong mundo na mismong si Roach ang mentor niya noon.

Tama ba si Roach sa kanyang ibinigay na strategy kontra Horn o siya ba ang dapat sisihin dahil sa malamyang laban ni Pacman? Hindi ba’t noong kasahan ni Pacman si Matthysse na isang dangerous KO artist ay brilyo ang laban nito, kahit wala si Roach. Nagawang ibalik ng 39-anyos na legend fighter ang tikas niya. Sa kabilang banda, nasa right timing naman daw ang bakbakang Broner at Pacman ayon kay Keith Thurman.

Nakahilera kasi si Thurman na makasagupang susunod si Broner na parehong mina-manage ni Al Haymon.

Aniya sa media matapos ang Fox app announcement, “I think it’s a great fight for Adrien Broner and I also think it’s a great fight for Manny Pacquiao, especially with it being his first fight under Al Haymon. Pacquiao took a loss, took a victory and is coming back. He shouldn’t be in the ring with Keith Thurman. He shouldn’t be in the ring straight away with Errol Spence or Shawn Porter. I think this is a great fight for Manny Pacquiao and this is also a great fight for Adrien Broner. Adrien Broner gets a lot of criticism, every once in a while I’ll criticism too, but I did enjoy his last performance even though it ended in a draw. If Adrien Broner was to ever put respect on his name he’s going to do it by defeating Manny Pacquiao.” (MC / ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page