top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Self-medication, tinutulan ng DOH!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 24, 2018
1 min read

SA panahon ngayon, marami na ang nagkakasakit kaya lang dahil sa hirap ng buhay, mas pinipili ng ilan na mag-self-medication na lamang.

Gayunman, bukod sa hindi ito tino-tolerate ng Department of Health (DOH), sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na ang pag-inom ng mga gamot na hindi inireseta ng dok­tor ay maaaring mauwi sa “antimicro­bial resistance”.

Samantala, madaling sabihin na huwag gawin ang self-medication pero, mahirap itong sundin kung wala kang sapat na pera na pampa-check-up sa mga ospital, lalo na at hindi biro ang presyo ng mga gamot sa kasalukuyan kahit na may generic medicines, hindi tayo sigu­rado kung gaano ito kaepek­tibo.

Kaya ang panawagan natin sa mga kinauukulan, tulungan ang mga mama­mayang walang kakayahang magpa­gamot at kung kinakailangang mag­dagdag o i-improve ang pagtatayo ng mga health center, gawin!

Marami kasi ngayong health cen­ters na imbes mapakinabangan ng ma­rami ay nagiging tambayan at haunted center, kulang sa serbisyo at gamot.

Paalala para sa lahat na kahit mara­mi tayong mga pinagdaraanan, dapat ang kalusugan ay palagi nating pag-ingatan!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page