Sa Dos, one of those lang… RODJUN AT RAYVER, SUMIKAT SA SIYETE


MARAMING netizens ang nagsasabing napaganda ang career ng magkapatid na Rayver at Rodjun Cruz nang lumipat sila sa GMA Network. Pawang magagandang projects at roles ang napupunta sa kanila ‘di tulad nu’ng nasa Dos pa sila.
Si Rayver, hindi na lang sa pagiging dancer napansin. Nailalabas na rin niya ang kanyang talent sa pag-arte. Nagdadrama na siya sa Asawa Ko, Karibal Ko with Kris Bernal.
Si Rodjun naman, marami nang nalabasang shows sa GMA-7. At ngayon, natupad ang wish ni Rayver na magkasama sila ni Rodjun.
Sa anniversary episode ng Magpakailanman, ang magkapatid ang kinuha at gumanap bilang mga seamen na na-hostage at pinahirapan sa Somalia.
Puwede ring i-build-up si Rayver na action star. Matangkad at may katawan ito. Malayo pa ang mararating ng career ng magkapatid at happy sila sa bakuran ng Kapuso Network, dahil narito rin ang mga pinsan nilang sina Sunshine, Sheryl at iba pang Cruz clan.





Comments