NUGGETS, KINATAY ANG T’WOLVES; KNICKS, WAGI
- BULGAR

- Nov 24, 2018
- 1 min read

MASAKLAP ang laro na sa bisperas pa naman ng Thanksgiving Day dahil nakatay ang Minnesota Timberwolves, 103-101 mula sa gutom sa panalo na bumibisitang Denver Nuggets sa NBA game na idinaos kahapon sa Target Center.
Pinamunuan ni Nuggets forward Paul Millsap ang team nang managa ng 25 puntos, tumapos si Jamal Murray ng 18 puntos habang si Gary Harris ay may 17. Nag-ambag si reserve point guard Malik Beasley ng 11 habang nagtarak si Monte Morris ng 9.
Humalibas si Karl-Anthony Towns ng 22 points at 7 boards para sa Minnesota habang si Derrick Rose ay may 20. Nagwasiwas si Robert Covington ng 16 habang sina Andrew Wiggins at Dario Saric ay nagbasket ng 13 at 12. Singbilis na sana ng kidlat ang pananalasa ng Wolves sa opening quarter. Pero sa kabila ng bilis ni Wiggins sa scoring, nakalamang lang ang Timberwolves ng 25-23 hanggang sa dinikitan na sila sa 56-50 sa halftime break.
Sa iba pang laro, nag-sorry na si Boston Celtics star Kyrie Irving matapos na makapagmura ito sa Thanksgiving day. Humihingi siya ng paumanhin dahil ‘di raw maiwasan ni Irving na makapagmura dahil tinalo sila ng New York Knicks sa mismong balwarte nila, 117-109. (MC)





Comments