top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

May nanalo na, mga bes! ANGELICA, IPINAGSIGAWANG MAHAL SI CARLO

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 24, 2018
2 min read

MARAMI ang nagtatanong kung nagkabalikan na raw ba talaga sina Angelica Panganiban at Carlo Aquino dahil kung ang pagbabasehan ay ang mga posts nila sa social media na super sweet, kahit sino ay makukumbinse na mukhang may balikan ngang naganap.

Pagkatapos mag-post si Angel ng larawan nila ng isang lalaki sa Japan kasama ang ilang malalapit nilang kaibigan, marami ang kinilig nang mag-post naman ang aktres ng larawan nila ng ex-boyfriend na si Carlo kung saan sa mensahe niya ay nakalagay ang mga salitang “mahal kita”.

Nu’ng Nov. 17 naman ay nag-post uli ang aktres ng larawan nila ni Carlo na masayang nakasandal sa headboard ng kama. Kinabukasan, November 18, ay muling nag-post si Angelica ng larawan ni Carlo na nakatitig sa kanyang cellphone at may caption na, “SUNDAY FUNDAY.”

Bukod sa tatlong araw nilang taping sa Playhouse ay halos araw-araw at ‘di na rin mapaghiwalay pa sina Carlo at Angelica.

Muling nabuhay ang pag-asa ng mga solid CarGel fans na magkakabalikan ang dalawa. Pero, nabantilawan ito nang mag-post si Carlo nu’ng nakaraang November 7 ng larawan ni Shaina Magdayao na may caption na: “Smile Contagious Pangga.”

November 6 ang kaarawan ni Shaina at “Pangga” ang naging tawagan ng dalawa nang magkasama sila sa seryeng Better Half.

Nag-react ang mga CarGel fans kung saan binash din ng ilan si Shaina. May ilan din naman na nakaunawa sa ginawa ni Carlo at sinabing naging magkaibigan talaga ang aktor at si Shaina at ang mahalaga ay totohanan ang kina Carlo at Angelica.

Samantala, bukod sa mga fans nina Zanjoe Marudo at Angelica sa Playhouse, inaaba­ngan na rin ng marami kung paano madi-develop sa isa’t isa ang karakter nina Patty (Angelica) at Dr. Harold ngayong pumasok na rin sa buhay ni Marlon (Zanjoe) ang dating kababata na si Leah na ginagampanan ng nagbabalik-telebisyon na si Isabelle Daza.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page