top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

MAHALAGANG MAGWAGI NG PHL AZKALS SA INDONESIA

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 24, 2018
1 min read

HINDI lang dapat maka­tabla ang team kundi ay dapat manalo ng PHL Az­kals laban sa Indonesia.

Oo at delikadong kalaban ang Indons team, aminado riyan ang team captain ng national football squad na Azkals na si Phil Young­hus­band na makakabangga nila sa Linggo sa pagpapatuloy na 2018 ASEAN Football Federation (AFF) Suzuki Cup.

Kung may mangyaya­ring draw o tabla sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia, papasok ang Azkals sa semifinals ng prestihiyosong liga. Pagpanalo ang mas maiging makuha ng team ni Young­husband tulad din ng unang sabi ni Azkals at Bangkok United goal keeper Michael Falkesgaard na makasipa ng higit sa tatlong puntos.

Talsik na ang Indonesia sa knockout phase at iyon ang motibasyon ng Pinoy pa­ra ibigay pa ang siyento porsiyento ng laro at baka ma­silat pa lalo na kung sa kalabang teritoryo gagawin ang game. Kumpiyansa ang bagong Azkals sa bago nilang players na pawang malalakas na team kaysa dati na kayang tumapat sa bigating mga dayuhang kasagupa. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page